Wag ka ng mag panggap na mahal mo ako kahit hindi naman. Wag na ako. Masyado ng masakit. Masyado ng bumabaon sa sakit. Masyado ng mabigat. Baka sa sobrang bigat hindi ko na kayanin na lumakad pa palayo sayo. Baka hindi ko na makontrol ang dalawang paa ko at hayaan nalang kita na ipagpatuloy ang pagpapaniwalang mamahalin mo rin ako.
Hindi mo na ako mahal. Aminin mo na. Hindi ako magagalit o magtatanim ng sa sama ng loob. Hindi na ako yung dati mong minahal, diba? May mas matimbang na. May mas humigit na. Nakakita ka na ng mas higit sakin kaya nawala na.
Pero bakit ka ganyan? Hanggang kailan mo ko gagawing reserba habang hindi ka niya napapansin? Paano naman ako? Paano naman yung kalagayan ko? Unti unti mo kong dinudurog.
Wag na ako, please? Ang sakit sakit na kasi. Hindi ka pa ba masaya na minsan mo na akong napatay? Ayoko ng mamatay ulit sa parehong dahilan.
Naalala ko pa non. Globe pa kame. Sobrang bagal ng internet. Dumaan si ateng nakaputi.
Hi po sir. May internet na po ba kayo ? Mabagal po ba ? Hindi nya po ba nasusuportahan ang inyong pangangailangan. Meron na pong PLDT na available para dito sa paliparan. 1k lang po sya sa unang buwan at nakakasigurado po kayong mageenjoy kayo.
Nagpadali kame sa matatamis na salita ni ate. Parang pambobola sainyo ng nanliligaw sa inyo. Binigay agad namin ni papa ang aming matamis na oo. Iniwan namin ang globe at ipinagpalit namin kay PLDT. Parang ikaw. Iniwan mo lahat pati tropa mo para lang sa boylet mo.
First Month.
Sobrang bilis nya. As in. Walang buff sa youtube. Ang sarap sa feeling. Parang sya. Gigising ka sa umaga, may message sya ng good morning. Ihahatid ka pa sa school. Itatanong kung kumain ka na ba. Lalambingin ka. Pero matic sa unang buwan lang lahat magaganap yan. Sa mga susunod, lam mo na.
2nd Month.
Dito na nagsimula magloko si gago. Nagbabagal na sya. Iilan lang kameng nakakonek at sobrang bagal na. Nireklamo namin kay ateng nakaputi. Nagpropose sya ng panibagong promo. Additional 500 daw dahil iiextend daw yung tubo kung san nakakabit yung net para mas mabilis yung sagap ng signal. At parang ginawa mo. NAGPAUTO KAME. Binigyan namin sya ng isa pang chance. Pero hindi katulad sayo na ilang beses mo ng nasabing last na ‘to, ayoko na. Eh kame eh ngayon lang nagpauto. At syempre matic na yon. Nagoyo kami ni ateng nakaputi.
3rd Month.
Wala na. Ginago na kame. Nawawala wala na sya. Lagi na syang nawawala. Parang yung gago mong jowa. Lalapitan ka lang pag tigang na o di kaya may kailangan ? DIBA ? KASE LAHAT PUTANGINA TEMPORARY LANG. QUINGINA. MAGALING LANG SA SIMULA. KASI PUTANGINA NG PLDT. KAPUTAPUTAHAN NG INA MO KA PLDT. SARAP MONG PASABUGIN. HAYUP KA. NAGBABAYAD KAME NG MAHAL TAS IBIBIGAY MO BULOK NA SERVICE. DI NAMAN KAME NAGKULANG SA PAGBABAYAD. PARANG JOWA MO DIN EH NO ?! BINIGAY MO NA LAHAT HALOS PATI KALULUWA MO. NILOLOKO KA PA RIN ? DIBA ?! UMAMIN KA. NAGPAPAKATANGA KA LANG EH. HAYUP. OKAY. BEASTMODE LANG TALAGA AKO.
"When I think of you,
I can’t breathe,
My chest begs for air,
And caves in on itself,
My lips part and gasp,
My ribs burn like the sun,
My heart cracks and screams,
My brain begs for mercy.
Then,
I feel my sternum rise,
My heart pumps one more time,
I suck air into my throat,
The burning subsides.
For one more moment,
One more breath,
I have you.
I breathe out." - y0ung-and-sick (via wnq-writers)